HIATUS
Despedida.Desperada
Sabi ko na nga ba mali ang calculations sa average ko. Haha! Masyado akong na-excite. Tapos kahit papano pinahirapan ko pa utak at kalooban ko sa pagdedesisyon kung lilipat ako o hindi. Masyado palang mataas ang nais kong liparin eh sisiw palang ako. Tsaka naisip ko din na... (medyo magiging irrelevant na sa topic) bakit kaya bigla mong namimiss ang isang tao pag nalaman mong pupunta na sya sa malayong lugar samantalang lately lang eh ni hindi mo sya iniisip at hindi kayo madalas magkita. Parang "what's the difference pa ba?!". Ganun din naman yun! Wala yung presence nyo sa isa't isa, walang text o tawag, isama mo na din halimuyak nya medyo hindi mo maramdaman. Medyo wala ka namang pakealam. Dati un, nung mga oras bago mo nalaman na me potential pala syang makarating sa lugar na hindi mo kayang puntahan. At boom! Narealize mo ayaw mo pala ng ganun. kaya ngaun... Medyo nakakaloko lang.
With the given information, bumaliktad yung ikot ng mundo mo at bigla kang nagpupumilit maging close kayo ulit. Itatanong mo kung "kelangan mo ba talagang umalis?" Sasabihin mong "ma-mi-miss talaga ng sobra"(teary-eyed). EH GAGU KA PALA EH?! Nung andito sya ni hindi ka marunong mangamusta. Prangkahin mo! Sabihin mo... Wag na wag ka nyang kakalimutan dahil Pasalubong lang ang habol mo!
Oo na sige na. Para naman hindi naman masyadong masaklap para sayo. Ipagpilitan mo ng meron naman talaga kayong pinagsamahan nuon na bigla na lang nag-Flash back ang lahat. Nakaraang ngaun mo na lang ulit nahukay kasi sabi nya aalis na sya. Sabi ng Puso mo sayang ang mga panahong hindi mo sya nakasama kahit may pagkakataon. Sabi ng nanguuto sayo "eh malay mo naman ba?!". At sabi ng utak mo... Hindi kasi porke malapit lang sayo ang isang bagay eh anjan lang yun palagi.
Sariwang sugat pinatakan ng kumukulong calamansi juice
Dear Drama,
Binalikan kita kahit halos makalimutan ko na ang password ng blog na to. Akalain mo yun,kahit papano Consistent ako sayo? Konti na lang at titibay na ang ating samahan. Kelan mo ba kasi ako lulubayan? Bigla-bigla ka na lang sumusulpot. Minsan naman ako mismo ang naghahanap sayo. Pero anyway, by the way o ano man ang daang tahakin, naisip kong baka kailangan din kita sa buhay kahit minsan man lang. Dahil sa tuwing kasama kita, mas napapagana ko ang utak ko pwera na lang yung mga exagge ideas. Baka ikaw pa ang makatulong para sa pangarap kong makapagdesisyon ng tama. Kaya binalikan kita. Namiss kita eh.
O tama na ang intro. Ihahatid ko na ang nakakalungkot kong balitang kagigiliwan mo. Naghahalo na kasi ang kalabuan ng mundo ko. Nakakapressure na din ang pagkalito. Nandahil sa kung anu-anung pume-pressure na maaaring self-imposed lang din pala eh nawawalan na tuloi ako ng gana sa mga kelangan kong atupagin. Bumaduy narin ang mga hirit kong patok sa takilya. Wala na rin sense ang recitations ko sa klase at kadalasang "pass" na lang ang aking nsasabi. Titig na lang din ang nabibigay ko sa mga malakas magpapansin sakin na nagaantay ng malupet kong reaction. Anu na nga bang nangyayari sakin? kakatapos lang ng Birthday ko at tumanda yata ako ng paurong?
"ito na ba yun. Nagdidrift away na nga ba kami sa isa't-isa sa likod ng mga tawa't pangungulit?"
-dialogue sa kikomachine komix ika-apat.
i-crop natin yung sa "likod ng tawa't pangungulit" dahil wala na ring ganung kaganapan. Eto na siguro yung expected moment ko. Ang pagsubok sa malinis na pagsuko. Para na rin ba to sa ikagagaan ng buhay o nagpapalipas nanaman ako ng opportunity tungo sa kaginhawahan? Hwoo! teka lang lumalalim ang usapan.
"Big deal ba?!"
-hirit ko na nagcause ng tampuhan.
"ang gaan-gaan na nga ng buhay nyo pinapagulo nyo pa."
-comment sakin ni paulo.
"If you can't change the situation, change your perception. Try to view things at a different angle."
-Sulat sa journal ko.
Combine all thoughts at may point din naman ako. nga ba? ay.. wag ka na pala magreply ah. Sapat na sakin ang mapilitang sulatan ka. Wag lang sana tayo masabihan na EMO.. kahit emoterang talaga.
Pero wag mo naman sanang isipin na pagd-drama na lang ang inaatupag ko. Salamat na lang din at Busy ako sa Shed na tila gusto ko pang dagdagan ng pagkakaabalahan.
Nga pala, baka di ka matuwa pero nagattach parin ako ng pictures dito.. dami pang space eh.. hehe

-Gusto pa lalong ma-discover.

-wala lang kulet lang ng itsura nya. hehe
loyal na nagdDrama lang, naguulat at namumulat sayo,
Ruthan.
To the Left.. To the Left..
Who got better skill on taking curves?
Sapi At Bokabs
Hindi ko alam kung hindi lang talaga ako nanunuod ng balita kaya wala akong nababalitaan tungkol sa mga nasasapian o sadyang patay malisya lang ang media sa ganitong usapan. Bihira ko lang pagtyagaan ang panunuod ng balita. Palagay ko kasi manuod ka man o hindi, mababalitaan mo rin yan. Nasasaad sa Bibliya iyang sapi-gimik-trip pero ewan ko lang kung hanggang ngaun eh uso pa ang ganyan. May nagawa na ba ang teknolohiya ukol dito? O lumakas na ang Faith ng mga Pilipino?
Hindi man ako nanunuod ng balita sa TV eh nasagap na ng utak ko kung uso pa ba ngaun ang sapi-an. Sa katunayan kasi ay talamak na yan. Politiko at Rallyista may sapi. mga sindikato may sapi. Estudyante nasasapian at yung mga magulang nilang panay ang pakiki-apid may sapi. Mga negosyanteng gahaman may sapi. Sugarol at Drug adik may sapi. Kapitbahay mong pinagtsismisan ka nanaman may sapi. Pati Pari't madre may sapi(yung iba lang, baka kasi ma-ekskuminakado ako nito. hehe). Cellphone at Internet man ay may sapi lalu na yung Dvd. Kama mo pati yung ilalim ng kama mo may sapi. Yung nagsusulat ngayon nito may sayad.
Hindi din ako mahilig magbasa ng Dictionary pero habang nakikibobo sa aklat ni Bob Ong eh na-encounter ko ang mga walastik na term na ito
The last supper:
Antropophagolagnia-rape with cannibalism
Ang morbid nito. Ni-rape mo na kinain mo pa. Pero mautak sya, para nga naman bawas na ang ibedensya.
Autophagy-self cannibalism
Alam kong mahal ang bigas ngaun kaya kanya-kanyang style na lang para maiwasan ang gutom.
Arousals:
Vampirism- arousal from consumption of a partner's blood
di ko alam kung pambampira lang ba to(kung may bampira nga), kung pang-hayop, o ito tawag dun sa pagdodonate ng dugo sa kadugo mo.. baka ito rin yun tawag sa mga sipsip. hehe
Dacryphilia-arousal from seeing tears in the eye's of the partner
"Tahan na mahal(bhe,honeydarling.etc)..nagsisimula na kong makaramdam ng dacryphilia"
Capholagnia-arousal from watching other's smoke
"pag pinapanuod ko ang paninigarilyo mo,.. kina-capholagnia ako.."
Sexy time:
Formicophilia- enjoyment of the use of insect for sexual purposes
Muntik na kong di patulugin ng term na to. SUSME INSEKTO?! Ni hindi ko nga makita ARI nun eh! pero paliwanag ni kuya.. baka mga insektong ginagawang Viagra, pampatigas, pampalibog.. tipong iniinum o kinakain.
Lagnonector-person who kills in order to have sex with corpse
Isa pang sakit sa ulo. Ayaw ng maharot, Ayaw ng galaw-gaw, di ka na makakahiyaw o makakareklamo.. Corpse talaga ang gusto. May concern sya kumbaga. haha!
Necrophilia- Sex with corpse
"Pare ang ganda talaga nung na-necrophilia ko kagabi.. ang Puti! Type na type ko yung kaputian nya pare kaya lang medyo cold sya sakin. tsk"
Educational man o hindi o kahit hindi mo talaga alam kung kelan mo gagamitin ang mga salitang yan eh bahala na kayu.. basta ako.. nagamit ko na ngaun. Sharing lang.
Kawalan
Kinabukasa'y namulat ka sa kamang di pamilyar sayo. Ramdam mo ang pagpapasok ko ng likido sa iyong kaloob-looban. Bahagya kang kumilos at naramdaman mo ang sakit sa iyong katawan. Napansin ko ang pagdilat ng maganda mong mga mata. Nginitian pa nga kita ngunit sinuklian mo ko ng matang takot na takot. Hindi Kita masisi. Hindi mo naman ako kilala. Hindi na ako nagsalita. Hinintay kitang magtanong. Ngunit mukang hindi ka iimik sa pagkabigla. Mabilis kong inayos ang mga gamit na aking dala, mga gamit na kung sakali'y masasagip kita. Mabilis narin akong nawala sa paningin mong tila tinataboy ako.
Sinilip kita sa iyong kwarto. Tulala ka nanaman sa mundong hindi mo maintindihan. Nilingon mo ang paligid at sinubukang mangilala gamit ang mata mong nabahiran ng pagkatakot. Ang nakasabit sa iyong kamay ay tila nagsasabing hindi ka na makaka-alis dito.
Saan ka nga ba dapat naruruon?
May dapat ka bang balikan?
Walang naghanap sayo, patuloy lang ang buhay mo rito. Panibagong buhay na sinimulan mo sa iyong pagkamulat. Dito kung saan wala man lang naghahanap sayo. Lugar na wala man lang may pakealam maliban sa salaping tinatanggap nila. Salaping sa akin mangga-galing. Ako na magliligtas sayo. Ia-alis kita dito.
"Tangina, nangangarap nanaman ako ng malalim" bulong ko.
Puspusan akong nagta-trabaho, tila binibili kita. Mapa-overtime ay ayus lang, nababantayan naman kita. Labas masok ang ibang tao sa iyong silid, sa panibago mong mundo. Pinapasubo ka nila ng kung anu-ano at panay lamang ang luwa mo nito. Ayoko ng silipin pa. Naawa ako. Mahal kita.
Wala ako alam sa iyong nakaraan.
Wala kang alam sa iyong kinabukasan.
Oras na para sa oras nating dalawa. Hindi ka nagsasalita. Hindi ka nakakaunawa.
"Mahal kita." sinamantala ko ang pagkakataon.
"Mahal kita" inulit ng maganda mong tinig na ngayon ko lang narinig.
Ngiti ang panukli kasabay ng pagtanggap sa sarili na hindi mo naunawaan ang mga salitang nabanggit. Hindi ka na takot sa akin na bigla ring nawaglit ng makita mo ang gamit ko. Alam mong panahon nanaman para sa tinatawag nating likido. Nagwala ka. Nagpupumiglas. Wala ka ng lakas. Ang likidong pinapasok ko sa iyo ay tila lumabas sa iyong mga mata bilang luha. Kumalma ka ngunit maya-maya'y unti-unting nawawalan ka narin ng hininga. Tinulungan ako ng ilang nurse. Ipinasok ka namin sa Operating room. Pinilit kong patibukin muli ang puso mong pinangarap kong tumibok para sakin.
"Dok..." tawag sakin ng isang nurse na nakadama ng pagpupumulit kong mabuhay ka.
Hindi ko man lang nasagip ang buhay mo tulad ng pagsagip ng AMNESIA sa masaklap mong nakaraan.
Pang-ilang kwento ko na ba sayo ito Tania?
Pangilang dalaw ko na ba to sa puntod mo?
-kung anu man yung sakit nya maliban sa amnesia at nangailangan pa ng operasyon .. si Dok lang ang nakakaalam. HAHA! tinamad na akong isipin. hehe..
Pisi
Nakakalimot nga ba ang tao pag nagsimula na syang magalit? O taong galit tulad ng taong lasing ay nakakapaglabas din ba ng mga salita o ideyang matagal na nilang kinimkim? Parang isang batang paslit na hindi napagpasensyahan. Mga salitang pupukaw sa kaluluwa.
Marahil magandang timing i-exaggerate ang sitwasyon kapag galit kahit na ang sitwasyon ay hindi nangangailangan ng exaherasyon. Marahil pagkakataon ito upang manumbat kahit ikaw mismo sukang-suka sa mga taong mahilig manumbat at mangulimbat. Marahil dito mo na gagamitin yung bagong biling baril imbis na pinakinabangan mo na lang ang existence ng salitang "pasensya".
Ang taong galit tulad ng taong lasing ay nakakapaglabas din ba ng mga salita o ideyang matagal na nilang kinimkim? Mga salitang umiikot sa mapagtanong at mapagduda mong utak. Dudang naghahanap ng proweba o pambabara. Tanong na hindi pa handa sa mismong kasagutan. Anong isasagot ng kausap sa pagkabigla/gulat? Galit din ba? Luha? Tawa? Napahaba ang katahimikan.



